Martes, Mayo 21, 2019

TIPS PARA MALAMAN ANG NEGOSYONG PARA SA IYO



Maraming negosyo na alam natin ay sikat at malaki ang kita ngunit hindi ito nangangahulugan na maari mong gayahin  agad ang mga ito. Hindi lahat ng mga nakisabay sa mga popular na negosyo ay hindi nagtagumpay dahil sa iba’t ibang rason.
Para maiwasan malugi at hindi manghinayang sa papasuking negosyo basahin ang mga guides at tips upang malaman mo na ang negosyo ay tama para sayo.
  1. Subukan mo muna.
    Bago mo simulan ang negosyo, try mo muna. Hanggat maari alamin mo ang lahat tungkol sa sa process ng negosyo gusto mo tahakin. Experiment mo o experience mo gawin kahit na kelangan mo magwork for free. Halimbawa, gusto mo magtayo ng Bar at hindi mo alam pano magmix ng mga drinks, go out and seek someone can teach you or atleast you can experience bartending. Magresearch ka at kelangan matry mo ng actual ang pagtimpla ng mga mixes. Within few months, dapat expert ka na sa mixing ng drinks, from simple shooter, to a highly complicated mix of cocktails.
  2. Maghanap ng iyong mentor.
    Kung hindi mo talaga alam ang negosyo na papasukin mo, at wala ka mahanap para ma-try o maexperience ito, maigi na kumunsulta ka sa mga entrepreneur who is successful na sa parehong larangan o negosyo na gusto mo gawin. Alamin mo pano sila naging successful, what are the ways, pano sila nagsimula, at kung ano ang advice nila para maging successful ka. Ngunit kelagan mo tandaan na kelangan hindi ka conflict ng interest sa mentor mo. Maraming starting business men ang willing to share their story how their started the business. refer to the link https://www.facebook.com/diskartesanegosyo
  3. Alamin sa sarili kung masaya ka sa negosyong ito.
    Kung hindi, wag mo na lokohin sarili mo at mag-isip ka na ng bagomg negosyo. Mahirap gawin ang negosyo na di mo gusto o di ka masaya. Marami satin dahil ito ang in-demand ngayon, yung ang tatahaking negosyo ngunit di naman nila hilig ang kanilang ginagawa, its very unlikely na magustuhan mo ang isang bagay na di mo hilig. If narealize mo na gusto mo ang mga activity sa negosyo mo at alam mo my skills ka para dito, then go to the nex step.
  4. Alamin sa sarili kung handa ka hawakan ang kada aspeto ng iyong negosyo.
    Kelangan willing kang gawin ang kahit anong bagay, sa kahit anong oras, at kahit saan basta kinailangan ng iyong negosyo–Pag-attend sa mga seminars, magtago o gumawa ng inbentaryo, makihalobilo sa kahit anong klaseng tao, maabutan ng umaga, mabawasan ang gimik, o khit to the point na mabawasan oras sa pamilya. Kelangan mo pag-isipan kung kaya mo ba ang ganitong effect sa negosyong tatahakin mo. In short, alamin mo kung kaya mo ang mga changes na darating sayo.
  5. Alamin ang kitaan sa negosyo mo.
    Napaka-importante ng bagay na ito, kelangan may mga simulation ka o projection kung ano iniexpect mo na kita sa negosyo mo, pero tandaan lahat ng ito ay dedepende parin sa trabaho mo at business plan mo. Pero by this point dapat alam mo na more or less ang kitaan sa industry na pinasok mo o yung tinatawag nating potential income mo. Para makasigurado, kelang yung target potential income base sa projection mo ay dapat more or equal sa amount na ininvest mo. Thats it, kumikita ka. Pero tandaan, it will still remain a projection kung wala kang aksyon.
  6. Alamin at i-balance ang oppotunity V.S risk sa negosyo mo.
    Kahit na magaling ang business plan mo ay may mga bagay talaga na mahirap patakbuhin at napakataas ng risk. Ang importante dito ay kelangan ma-forsee mo kung ano ang masmatimbang na nakikita mo sa negosyo mo. If you see na mas marami ang positive ang maidudulot sayo nito kesa sa negative, then you are on the right track. Congratulations!

To God All be the Glory! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento